Suicide Note

Ipagpapaalam na kita sa dating ako
Sa dating taong nakilala mo
Sa lahat ng masayang alaala
Na binuo mo kasama siya
At sa taludturan ng pag-asang
Muling babalik ang lahat
Sa dati
Sa normal
Sa dati nating samahan.

Ipagpapaalam na kita sa dating ako
Pagkat ngayon ay patuloy ang aking pagbabago
Ang aking paglayo
Ang aking patuloy na paghubog
Ng aking sarili
Nang sa gayon ay malimot ko na
Ang alaalang nais kong ibalik
Kasama ka.

Magpaalam ka na sa kanya
At sa kahapong masaya
Pagkat bukas makalawa
Ang lahat ng ito
Ay maglalaho
Mawawala
Kasabay ng dating ako
At marahil ng buhay ko. 

Aalis na nga pala ako. Pupunta ako sa malayo. Doon sa hindi ninyo na maaabot. Nakakapagod din kasi. Nakakapagod maging bahagi ng laro ninyo kung saan ako naman ang laging talo. Nakakapagod manood sa kasiyahan ninyo. Nakakapagod mapagkaisahan ng mapaglarong mundo. Nakakasawang ipilit ang mga bagay na kahit anong gawin ko ay alam ko namang hindi mangyayari. Nakakasawang makibahagi. Nakakasawang makibagay. Nakakasawang makantsawan at maiwang nag-iisa.

Sa pag-alis ko, dala ko ang ating masasayang alaala. Masaya ako na naging bahagi ng isang mundo kung saan ang kasiyahan ay makukuha mo nang hindi mo na kailangang magpakahirap. Nakita ko kung paanong mangyari iyon. Nakakalungkot man isipin na nagaganap ang kasiyahan sa harap ko at hindi ako naging bahagi nito, masaya na rin ako na naging buhay akong saksi sa kung paanong maging masaya ang maraming tao sa paglalakbay nating ito.

Huwag ninyong kalimutan ang bawat masasayang sandali, ang bawat kantayawan, at ang bawat pinagdaanan. Hindi ko makakalimutan ang lahat ng iyon. Sa ating patuloy na pakikipagsapalaran sa mundo, nakita kong sabay-sabay tayong hinulma ng bawat pagpapagal tungo sa pagkamit ng mga bagay na makakapagpasaya sa atin. Nakita ko kung paanong naging mabuti tayong mga tao sa bawat pinagdaanan, kaya ang aking dalangin ay patuloy nating ilakip sa ating pakikipagsapalran sa umiinog na mundo ang bawat kaalaman na makapaghuhubog sa atin upang maging mas mabuting mga tao. 

Huwag kang magmadali, kaibigan. Kayong lahat. Tayong lahat. Huwag tayong magmadaling matuto upang mahanap na kaagad ang kaligayahan at ang kaganapan ng ating mga pangarap. Hayaan nating unti-unti nating magamay ang buhay. Hayaan nating tayo mismo ang makadiskubre kung paanong magiging kapaki-pakinabang ang ating buhay at kung paano natin masasabing natuto tayo. Hayaan nating magkamali tayo. Intayin natin ang tamang panahon upang masabi nating natuto tayo.

Aalis na ako, kaibigan. Iiwanan na muna kita. Bibilisan ko ang takbo upang hindi ka makahabol. Sa ngayon, kailangan mo munang mapag-isa at tahakin ang landas nang wala ako sa tabi mo. Baka sakali kasi na mas mabuti iyan. Baka mas mabuti iyan upang mas maging matatag ka, at lalong higit, upang malaman mo ang kahalagahan ko. Baka sakali lang naman. 

Gusto kong sabihin sa lahat ng taong mahalaga sa akin na ‘wag nila akong iwan. Pero wala naman akong karapatang manduhan sila sa gusto nilang mangyari, ‘di ba?

Oo nga naman pala. OK lang ang lahat. Ayos na dapat. Wala na dapat problema. Pero, pag ganoon ba, paano mo masasabing wala nang problema, kapag ba sa tingin mo ay masaya na ang lahat o kapag alam mo sa sarili mong talagang masaya ka na?

Kumain ka na ng tanghalian. Kumain ka at isipin mo ang ating masasayang alaala. Kumain ka, magpakabusog. Isipin mong kasalo mo ako, gaya ng dati. Isipin mong kasama mo pa rin ako ngayong wala na ako. Palagi lamang akong nakamasid mula sa malayo. Tara kain.

Bugtong: Ayan na, ayan na, bubuka-bukaka.
Sagot: Pokpok

Congrats pala. Ni-search ko ang pangalan mo at ayun nga, pumasa ka sa board exam. Naalala ko tuloy kung paanong kinukulit kita habang nagre-review ka dati. Ang totoo, nakaka-miss kasi ‘yung mga panahon na close pa tayo. Alam ko naman magbabago ang mga bagay-bagay, pero nakakainis lang dahil masyadong mabilis. Mabuti rin siguro iyon, para kahit papaano, hindi gaanong masakit. Kumbaga, hindi ako nakapag-invest ng maraming atensyon at emosyon. Pero sa kabilang banda kasi, naisip ko, sana naging mabuti tayong magkaibigan. Magkalapit, ganoon lang. Sabi ko naman, ayos lang sa akin iyon e. Nakaka-miss ang mga simpleng kulitan at akbayan, ‘yung maliliit na alaala na alam kong hindi na maibabalik pa. Nakaka-miss lahat ‘yun. Nakaka-miss ka.

‘Yung panaghoy mo para sa isang tao, panaghoy naman niya para sa iba. Life’s cruelties.

Ang saya palang panoorin kung paanong nabubuo ang mga pangarap ng ibang tao sa harapan mo ano? Masaya iyong nakikita mo kung paanong nakukuha nila ang mga gusto nila at kung paanong nakakamit nila ang mga bagay na gusto mo ring makuha at maabot. Masaya itong tingnan kasi nalalaman mo kung ano nga ba ang magiging reaksyon mo sa oras na ikaw na ang makakakuha nito. Pero masakit dahil alam mong kahit anong pilit mo, hindi ka magiging masaya gaya nila. Masakit lalo na kung ipinamumukha sayo ng mundo kung paanong ang kasiyahan ay hindi para sa lahat maliban sa iyo.

Bakit ba sanay na sanay tayong magsabi ng OK lang kahit masama pa rin ang loob natin?

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat mong habulin ang taong lumalayo.

‘Yung taong ang pinapansin lang ay iyong gwapo, maganda, sikat, o mayaman, hindi kaibigan iyon.

Ang bilis naman yata. Kung kailan hinahanap-hanap na kita, kung kailan ‘di ko na kayang ikaw ay mawala, kung kailan nag-aalala na ako sa tuwing wala ka, saka ka naman nawala.

‘Wag magmalinis na para bang napakabait mong tao.
1 2 3 Next
Back to top